Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Google One
Huling Binago: Nobyembre 11, 2025 |Para magamit ang Google One, dapat ay tanggapin mo (1) ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, at (2) ang Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo na ito ng Google One (“Mga Karagdagang Tuntunin”). Makikita sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google ang ibig sabihin ng mga terminong hindi inilalarawan sa Mga Karagdagang Tuntuning ito.
Basahin ang mga dokumentong ito nang mabuti. Sama-sama, tinatawag ang mga dokumentong ito na “Mga Tuntunin.” Itinatakda ng mga ito ang maaasahan mo mula sa amin habang ginagamit mo ang aming mga serbisyo, at ang inaasahan namin mula sa iyo.
Hinihikayat ka rin naming basahin ang aming Patakaran sa Privacy para mas maunawaan mo kung paano mo magagawang i-update, pamahalaan, i-export, at i-delete ang iyong impormasyon.
1. Aming Serbisyo
Nag-aalok ang Google One ng mga plan ng subscription na may bayad na storage na ginagamit sa Gmail, Google Photos, at Google Drive, pati ng mga plan ng subscription na may mga karagdagang benepisyo na ibibigay sa iyo ng Google o sa pamamagitan ng mga third party. Nag-aalok din ang Google One ng mga plan ng subscription at AI credits para sa may bayad na access sa ilang partikular na feature ng AI na ginawa ng Google. Ang paggamit mo ng mga karagdagang benepisyo ng Google o ng third party ay nasasaklawan ng mga tuntunin ng serbisyo na naaangkop sa mga nasabing benepisyo. May ilang benepisyo na posibleng hindi available sa lahat ng bansa at posibleng napapailalim sa iba pang paghihigpit. Bisitahin ang Help Center ng Google One para sa higit pang impormasyon.
Ang serbisyo ng Google One ay ibinibigay sa iyo ng entity ng Google na nakasaad sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google. Kapag bumili ka ng subscription sa Google One o AI credits, papasok ka sa isang hiwalay na kontrata sa nagbebenta, na puwedeng isang entity ng Google (tingnan ang Seksyon 2) o third party. Kung mayroon kang subscription sa Google One sa pamamagitan ng isang third party o affiliate, puwedeng mapailalim ang iyong subscription sa mga karagdagang tuntunin mula sa third party o affiliate na iyon.
AI Credits
Puwede kang gumamit ng AI credits sa pag-enable at pagpoproseso ng iyong mga request sa mga nakatalagang feature ng AI. Ipapaalam sa iyo sa nauugnay na produkto o feature ang bilang ng mga credit na kinakailangan para sa isang partikular na aksyon (hal., pagbuo ng video). Nakalaan sa Google ang karapatang baguhin ang halaga ng credit para sa paggamit sa mga feature ng AI. Ang AI credits ay puwede lang gamitin sa pag-access ng ilang partikular na feature ng AI na puwedeng paminsan-minsang gawing available ng Google.
Nag-e-expire ang AI credits pagkalipas ng isang partikular na tagal ng panahon, gaya ng nakasaad sa pagbili mo ng mga ito.
Wala kang karapatan o titulo sa AI credits maliban na lang kung hayagang nakasaad sa Mga Tuntuning ito. Hindi mo puwedeng ibenta o ilipat ang AI credits sa ibang user o account, o subukang ibenta o ilipat ang AI credits. Kapag bumili ka ng AI credits, magpi-prepay ka para sa paggamit ng ilang partikular na nakatalagang feature ng AI. Ang AI credits ay hindi digital na currency, security, kalakal, o iba pang uri ng instrumento sa pananalapi at hindi nare-redeem para sa anumang halaga ng cash. Nare-redeem lang ang AI credits para sa mga tinukoy na feature ng AI sa ecosystem ng Google. Puwedeng mawala ang anumang hindi nagamit na AI credits sa pagwawakas o pagkansela ng iyong Google One plan, na napapailalim sa anumang naaangkop na patakaran sa refund.
Matuto pa tungkol sa AI credits dito.
2. Pagbili at Pagbabayad
Walang nakatakdang pagtatapos ang termino ng mga subscription sa Google One, at sisingilin ka sa simula ng bawat cycle ng pagsingil ayon sa mga tuntunin ng iyong subscription (halimbawa, buwan-buwan, taun-taon, o sa iba pang panahon), maliban na lang kung mag-a-unsubscribe ka.
Sa pagbili ng subscription sa Google One o AI credits, mapapailalim ang iyong pagbili sa mga hiwalay na tuntunin ng nagbebenta. Halimbawa, kapag nag-sign up ka sa isang subscription sa Google One o bumili ka ng AI credits sa pamamagitan ng Google Play Store, mapapailalim ang pagbili mo sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google Play.
Ang nagbebenta ng binili mong subscription sa Google One o AI credits sa pamamagitan ng Google Play Store ay:
- Para sa mga consumer sa Europe, Middle East, at Africa: Google Commerce Limited
- Para sa mga consumer sa India: Google Ireland Limited
- Para sa mga consumer sa iba pang bahagi ng Asia, Pacific: Google Digital Inc.
- Para sa mga consumer sa United States at iba pang bahagi ng mundo: Google LLC.
Kapag bumili ka ng subscription o AI credits sa Google One sa pamamagitan ng isang third party o affiliate, sisingilin ng third party o affiliate na iyon ang paraan mo ng pagbabayad at sila ang magiging responsable sa pamamahala ng anumang isyu sa iyong pagbabayad, pati sa pagkansela at mga refund.
Kung hindi ka masisingil ng nagbebenta para sa subscription sa Google One, puwedeng hindi mo ma-access ang Google One hangga't hindi mo ina-update ang iyong paraan ng pagbabayad sa nagbebenta. Kung hindi mo maa-update ang iyong paraan ng pagbabayad sa loob ng makatuwirang tagal ng panahon kasunod ng abisong iyon, puwede naming kanselahin o suspindihin ang access mo sa Google One.
3. Pagpepresyo at Mga Alok
Mga Alok. Puwede kaming mag-alok paminsan-minsan ng mga trial para sa isang subscription sa Google One nang walang bayad. Kung bibili ka ng subscription sa Google One na may kasamang trial, magkakaroon ka ng access sa Google One para sa kabuuan ng panahon ng trial. Sa pagtatapos ng trial, at hanggang sa sukdulang pinapahintulutan ng naaangkop na batas, awtomatikong sisingilin sa iyo ang presyo ng subscription sa bawat sinasakupang panahon ng pagsingil kung nagbigay ka ng valid na paraan ng pagbabayad sa nagbebenta at patuloy kang sisingilin hanggang sa kanselahin mo ang iyong subscription. Para maiwasan ang anumang singil, dapat mong kanselahin ang iyong subscription sa nagbebenta bago matapos ang panahon ng trial. Puwede rin kaming mag-alok paminsan-minsan ng mga diskwento sa mga subscription sa Google One. Posibleng may mga inilalapat na karagdagang tuntunin at kundisyon, pati mga pamantayan sa pagiging kwalipikado, sa mga alok na ito, at gagawing available sa iyo ang anumang nasabing karagdagang tuntunin bago ang pag-redeem o pagbili. Walang bisa ang mga alok sa mga lugar kung saan ito ipinagbabawal o pinaghihigpitan ng naaangkop na batas.
Mga pagbabago sa pagpepresyo. Puwede naming baguhin paminsan-minsan ang mga presyo para sa mga subscription sa Google One o AI credits, halimbawa, dahil sa inflation, mga pagbabago sa mga naaangkop na buwis, pagbabago sa mga pampromosyong alok, pagbabago sa Google One, o pagbabago ng mga pangangailangan ng negosyo. Para sa mga pagbabago sa pagpepresyo para sa mga subscription sa Google One, ilalapat ang mga pagbabagong ito pagkatapos makumpleto ang iyong kasalukuyang yugto ng pagbabayad at kapag sisingilin na sa iyo ang susunod na bayad pagkatapos ng abiso. Bibigyan ka namin ng hindi bababa sa 30 araw na paunang abiso bago kami magtaas ng presyo bago ka namin singilin. Kung wala pang 30 araw ang maibibigay sa iyong paunang abiso, hindi ilalapat ang pagbabago hanggang sa pagbabayad pagkatapos ng takdang petsa ng susunod na pagbabayad. Kung ayaw mong magpatuloy sa iyong subscription sa Google One sa bagong presyo, puwede mong kanselahin ang subscription gaya ng inilalarawan sa seksyong Mga Pagkansela ng Mga Tuntuning ito, at hindi ka na sisingilin ng anumang halaga para sa subscription, basta't naabisuhan mo kami bago matapos ang kasalukuyang sinasakupang panahon ng pagsingil. Kapag tumaas ang presyo at kinakailangan ng pahintulot, posibleng kanselahin ang iyong subscription, maliban na lang kung sasang-ayon ka sa bagong presyo.
4. Mga Pagkansela at Pag-refund
Mga pagkansela at pag-withdraw. Kung kakanselahin mo ang iyong subscription, maa-access mo pa rin ang Google One para sa natitirang bahagi ng iyong kasalukuyang sinasakupang panahon ng pagsingil, maliban na lang kung may karapatan kang magkansela nang may agarang epekto o kung may iba ka pang karapatan sa pagkansela o pag-withdraw na inilalarawan sa Help Center. Kung mayroon kang karapatan sa pag-withdraw at gusto mo itong gamitin, dapat mong ipabatid ang iyong pasya na mag-withdraw sa pamamagitan ng isang malinaw na pahayag sa nagbebentang binilhan mo. Kung ire-request mong simulan ang performance ng mga serbisyo sa panahon ng pag-withdraw, puwedeng kailanganin mong magbayad ng pro-rated na halaga na proportionate sa mga ibinigay na serbisyo hanggang sa maipabatid mo sa nagbebenta ang tungkol sa iyong pag-withdraw mula sa kontrata.
Kung pipiliin mong i-delete ang Google One sa pamamagitan ng pag-delete ng serbisyo, sumasang-ayon kang puwede kang mawalan kaagad ng access sa mga serbisyo ng Google One. Kung gusto mong mapanatili ang mga serbisyo ng Google One para sa natitirang bahagi ng iyong sinasakupang panahon ng pagsingil, kanselahin ang subscription mo sa halip na i-delete ang Google One.
Mga Refund. Kung bumili ka ng subscription sa Google One o AI credits, ilalapat ang patakaran sa refund. Kakailanganin mong makipag-ugnayan sa nagbebentang binilhan mo para mag-request ng refund. Posibleng mayroon kang mga karapatan ng consumer sa ilalim ng naaangkop na batas na hindi puwedeng limitahan ng kontrata. Hindi nililimitahan ng Mga Tuntuning ito ang mga karapatang iyon.
5. Customer Support
Posibleng may kasama ang Google One na access sa customer support sa ilang partikular na serbisyo ng Google. Kung hindi ka matutulungan ng customer support sa iyong request, puwede ka naming ilipat o i-redirect sa serbisyo sa customer support ng naaangkop na serbisyo ng Google. Kung makakansela o masususpinde ang subscription mo sa Google One, puwede ring masuspinde ang iyong mga hindi pa nalulutas na isyu sa customer support at posibleng kailanganin mong magsumite ng bagong inquiry kapag naibalik mo na ang iyong subscription. Bisitahin ang aming Help Center para sa higit pang impormasyon tungkol sa customer support.
6. Pag-share sa Pamilya
Puwede kang payagan ng iyong subscription sa Google One na mag-share ng ilang partikular na benepisyo sa grupo ng pamilya mo (“Pag-share sa Pamilya”). Kung ayaw mong mag-share ng anumang benepisyo sa iyong grupo ng pamilya, dapat mong i-disable ang Pag-share sa Pamilya para sa Google One o dapat kang umalis sa iyong grupo ng pamilya. Mga manager lang ng Google One plan ang puwedeng magdagdag ng mga miyembro ng pamilya, at mag-enable o mag-disable ng Pag-share sa Pamilya, sa isang subscription sa Google One. Bisitahin ang aming Help Center para sa higit pang impormasyon tungkol sa Pag-share sa Pamilya.
Kung bahagi ka ng isang grupo ng pamilya sa Google One, makikita ng mga miyembro ng grupo ng pamilya mo ang ilang partikular na impormasyon tungkol sa iyo. Halimbawa, kung sasali ka sa isang grupo ng pamilya kung saan naka-enable ang Pag-share sa Pamilya ng Google One, posibleng magawa ng ibang miyembro ng (at inimbitahan sa) grupo ng pamilya na tingnan ang iyong pangalan, larawan, email address, mga device na na-back up mo, ginamit na AI credits, at ang laki ng storage space na ginagamit mo. Puwede ring makita ng mga miyembro ng grupo ng pamilya kung na-redeem ng isang miyembro ng pamilya ang ilang partikular na karagdagang benepisyo na kasama sa subscription sa Google One.
Kung ikaw ang manager ng Google One plan sa iyong grupo ng pamilya at idi-disable mo ang Pag-share sa Pamilya o kaya ay aalis ka sa iyong grupo ng pamilya, mawawalan ng access ang iba pang miyembro ng grupo ng pamilya mo sa subscription sa Google One. Kung nabigyan ka ng access sa Google One sa pamamagitan ng Pag-share sa Pamilya ng manager ng iyong Google One plan, mawawalan ka ng access sa Google One kung aalis ka sa grupo ng pamilya mo, o kung idi-disable ng manager ng iyong Google One plan ang Pag-share sa Pamilya o kung aalis siya sa grupo ng pamilya.
7. Pag-back Up at Pag-restore sa Mobile
Puwedeng may kasama ang Google One na pinahusay na functionality sa pag-back up at pag-restore ng data (“Pag-back Up at Pag-restore”) para sa mga kwalipikadong mobile device. Posibleng kailanganing mag-install at mag-activate ng mga karagdagang application, gaya ng Google Photos, para magamit ang Pag-back Up at Pag-restore. Puwede mong baguhin ang iyong mga opsyon sa Pag-back Up at Pag-restore sa Google One application anumang oras. Kung sususpindihin o kakanselahin ang iyong subscription sa Google One, puwede kang mawalan ng access sa data na naka-save sa Pag-back Up at Pag-restore pagkalipas ng isang partikular na tagal ng panahon, alinsunod sa mga naaangkop na patakaran sa Pag-back Up ng Android.